Bumiyahe ang tatlong cabinet member ng Pilipinas, kabilang ang defense chief, gamit ang U.S. aircraft carrier patungo sa pinag-aagawang South China Sea.

Ayon sa tagapagsalita ng U.S. Embassy na si Molly Koscina, bumisita sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Finance Secretary Carlos Dominguez at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa USS Carl Vinson nitong Sabado kasama ang tatlong security officials.

Nagpatrulya ang nuclear-powered carrier group sa pinag-aagawang isla upang siguruhin ang kalayaan sa paglalakbay sa rehiyong inaangkin ng China ang kabuuan.

Ipinapakita lamang sa nasabing pagbisita ang patuloy na ugnayan sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at U.S. military sa kabila ng pagtalikod ni Pangulong Rodrigo Duterte sa American forces at piniling makipagmabutihan sa China at Russia. - Associated Press

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina