Halos tiyak nang itataas ng Social Security System (SSS) ang singil sa kontribusyon ng mga aktibong miyembro nito, at pinaplano na lamang kung kailan ito ipatutupad ng ahensiya.

Ayon kay SSS President Amado Valdez, mayroon na silang mga pag-aaral kaugnay sa usapin at maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay pinag-aaralan din ang tamang panahon sa pagpapatupad ng contribution increase.

Sa pagkalkula ni Valdez, maaaring maipatupad sa Mayo ang 1.5- porsiyentong pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro ng SSS. Kukunin sa contribution adjustment ang P34 bilyon kada taon para pondohan ang P1,000 buwanang dagdag sa pensiyon ng retiradong miyembro. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji