Hindi na humihinga ang isang matandang lalaki nang matagpuan sa gilid ng kalsada sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Romeo Cardeas, 60, pulubi, nakatira sa isang barung-barong sa tabi ng Halina Hotel, sa Katubusan Street, malapit sa kanto ng Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bandang 6:00 ng umaga nadiskubre ang bangkay ng biktima sa gilid ng Katubusan St.

Ayon kay Nathaniel Bautista, 23, huli niyang nakitang buhay ang biktima dakong 3:00 ng madaling araw kahapon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagulat na lamang umano siya, pagsapit ng 6:00 ng umaga, nang mapansing hindi na ito humihinga kaya agad niyang ipinaalam sa mga awtoridad. (Mary Ann Santiago)