lbc copy

Bordeous, humirit; Koronasyon ni ‘Saint’ Jan Paul sa LBC ngayon.

ILOILO CITY — Habang ‘Chillax’ at nagbibilang na lamang ng oras si Philippine Navy-Standard Insurance top man Jan Paul Morales, hatawan at ratratan ang nalalabing kalahok at sa pagtatapos ng 209-km Stage 13 nakasingit ni Mark Julius Bordeos ng Kinetix Lab-Army’s para sa unang stage win sa 2017 LBC Ronda Pilipinas sa Iloilo Business Park dito.

Naungusan ni Bordeos, 21, sa photo finish sina Ronald Lomotos ng Navy-Standard Insurance, Kinetix Lab-Army’s Cris Joven, RC Cola-NCR’s Leonel Dimaano, Mindanao Sultan Kudarat’s Roel Quitoy at Armyman Lord Anthony del Rosario para sa unang P20,000 check sa pamosong cycling marathon.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Sa opisyal na oras, sumegunda si Lomotos at pangatlo sa podium si Joven.

Naitala nina Bordeos, Lomotos at Joven, gayundin sina Dimaano, Quitoy at del Rosario ang parehong tyempong limang oras, 19 minuto at isang segundo.

“Masaya at laking pasalamat ko at nakadale rin ng stage dito. Malaking bagay ito para sa akin,” pahayag ni Bordeos, pambato ng Laoac, Pangasinan.

Tumawid na ikawalong rider ang 31-anyos na si Morales (5:19:10) sa likod ni No. 7 Marvin Tapic ng Kinetix Lab-Army (5:19:03), ngunit sapat na ito para mapatatag ang tangan sa bentahe at sa kampanyang makamit ang back-to-back title sa torneo kung saan naghihintay ang P1 milyon premyo na kaloob ng presentor LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Tangan niya ang kabuuang oras na 43:50:45, o 13.09 minuto laban sa kasanggang si Rudy Roque (44:03:54).

“Ito na ‘to. Puwede ko nang sabihin na akin na ito,’ pahayag ng pambato ng Calumpang, Marikina City.

Mistulang promalidad na lamang para sa koronasyon ni Morales ang final 14th Stage ngayon -- 50-km criterium – na magsisimula at magtatapos sa Iloilo Business Park dito.