KUALA LUMPUR (Reuters) – Naghahanda na ang Malaysia na ipa-deport ang North Korean na suspek sa pagpatay kay Kim Jong Nam kasabay ng pagkondena sa paggamit ng VX, ang mabagsik na nerve agent, sa krimeng nangyari sa Kuala Lumpur airport noong nakaraang buwan.

Pinatay ang half-brother ni North Korean leader Kim Jong Un noong Pebrero 13 sa Kuala Lumpur International Airport.

Dalawang babae ang nagsaboy sa kanyang mukha ng VX, isang kemikal na tinuturing ng United Nations bilang weapon of mass destruction.

“The Ministry strongly condemns the use of such a chemical weapon by anyone, anywhere and under any circumstances.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Its use at a public place could have endangered the general public,” saad sa pahayag ng Malaysian foreign ministry.

Kahapon, pinakawalan ng mga awtoridad ang suspek na North Korean na inaresto noong Pebrero kaugnay sa pagpatay. Si Ri Jong Chol, ay inilabas sa detention center kasama ang isang police convoy at dinala sa immigration office na may suot na bullet proof vest upang ihanda sa deportasyon sa North Korea. Sinabi ng attorney-general ng Malaysia noong Huwebes na pinakawalan si Ri dahil sa kakulangan ng ebidensiya.