ANG pagkapanalo ni Pangulong Duterte sa nagdaang eleksiyon ay naging kakaiba at napakaganda na umabot sa puntong nag-pilgrimage sa Davao City ang mga leader ng iba’t ibang political party upang suportahan si Mayor Duterte, na nanatili lamang sa kanyang tahanan at hindi dumalo sa kanyang opisyal na proklamasyon.
Marami ang agad ang lumipat sa PDP-LABAN bandwagon.
Ilang congressman at senador ang sumanib sa majority coalition sa Senado at sa House of Representaives kahit walang imbitasyon.
Ngayong unti-unti nang humuhupa ang kagalakang dala ng nakamit na tagumpay at ang kasalukuyang namamahala ay nahaharap sa seryosong kontrobersiya at kumplikadong mga isyu, marami sa mga bumaligtad ay binabagabag ng kanilang konsensiya at nahihirapan sa kanilang naging pasya.
Ang sampung senador na bumoto para sa magsagawa ng hearing sa naging testimonya ni Arturo Lascañas, kaugnay ng Davao Death Squad, ay isang tanda na inilalayo nila ang kanilang sarili sa administrasyong Duterte.
Mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko ang pagpatay sa mga suspek sa ilegal na droga na umabot na sa halos 8,000.
Ang lihim na paglilibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay ikinagalit ng mga pamilya ng biktima at mga naabuso ng rehimeng Marcos kundi maging mga kabataan na ipinanganak noong EDSA I.
Sa kabila ng mainit na pagsuporta ng nakararami nating kababayan kay Pangulong Duterte, sila’y nababahala rin sa marahas na pakikipaglaban kontra ilegal na droga.
Isang grupo ng mga retiradong military, na nakasalumuha ko kamakailan, ay nagpahayag ng pagkabahala sa pakikipagmabutihan ng Pangulo sa China at Russia at pagiging malapit sa CPP-NPA.
Pinayuhan nila si Pangulong Duterte na pagtuunan ang mga pagawaan at dambuhalang supplier ng ilegal na droga at hindi ang mga mahihirap o small-time na adik at tulak. (Johnny Dayang)