Nakaalerto na ang immigration authorities laban sa road rage suspect na maaaring magtankang lumabas ng bansa matapos barilin at patayin ang isang motorista na nakatalo nito sa trapiko sa Quezon City nitong nakaraang linggo.

Nag-isyu ng memorandum si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente upang ilagay ang suspek, kinilalang si Fredison “Sonson” Atienza, sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Sa nasabing memorandum, ipinag-utos ni Aguirre kay Morente “to include Mr. Atienza in Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO), disseminate the Information, instruct all immigration officers to be on the lookout/alert for the above-named individual should he pass through the immigration counters in any of our international ports and/or seaports.”

Samantala, kinumpirma kahapon ni Quezon City Police District director Guillermo Eleazar kahapon na sa Boracay nagtatago si Atienza at patuloy ang paghahanap sa kanya ng awtoridad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists