CONCEPCION, Tarlac – Isang motorcycle rider ang nasawi habang sugatan naman ang angkas niya matapos na masagi ang sasakyan sa nakalaylay na dahon ng punongkahoy sa Barangay Minane, Concepcion, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Batay sa report ni PO1 Emil Sy, kinilala ang nasawi na si Joshua Gonzales, 18, driver ng Honda motorcycle (JZ-1527) habang malubha namang nasugatan ang angkas niyang si Jonas Gonzales, 18, kapwa taga-Sitio Ligaya, Bgy. Santiago, Concepcion.

Dakong 1:15 ng umaga at patungong San Nicolas Poblacion sa Concepcion ang mga biktima nang aksidente nilang nasagi ang nakalaylay na dahon ng punongkahoy hanggang mawala sa kontrol at bumaligtad ang motorsiklo. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog