PUG siguro ang paboritong breed ng aso ni Jasmine Curtis Smith dahil dalawa na nito ang alaga niya.
Ang unang pug na pinangalanan niyang Papito ay regalo ng ex-boyfriend niyang si Sam Concepcion at itong ikalawa na pinangalanan niya ng Waffle ay bigay naman ng current boyfriend niyang si Jeff Ortega.
Nang iregalo ito ni Jeff sa aktres at may sulat na hindi pa kasi nila kayang bumuo ng pamilya dahil mga bata pa sila, kaya si Waffle muna ang magiging baby nila.
Mukhang si Jeff na ang makakatuluyan ni Jasmine. Sobrang in love siya sa binata na kasa-kasama niya maski saan at ipinagmamalaki sa mga kaanak at kaibigan.
Hindi kasi ganito ang naging relasyon nila noon ni Sam na ang dami-daming bawal, ni hindi sila puwedeng makitang magkasama dahil magkaiba sila ng TV network.
At kahit kaarawan ni Jasmine noon sa programa niya sa TV5 ay hindi puwedeng bumati si Sam dahil bawal sa kontrata niya.
Kaya laging palihim ang pagkikita nina Sam at Jasmine na pakiwari naman ng mga taong nakapaligid noon sa aktres ay hindi siya maipagmalaki ng singer na boyfriend na ngayon ni Kianna Valenciano.
So, may dahilan naman pala kung bakit ayaw na ayaw ng ate ni Jasmine na si Anne Curtis Smith kay Sam noon, dahil nga hindi siya nagawang maipagmalaki o maisama sa lahat ng gatherings.
Ate knows best, Jasmine. (Reggee Bonoan)