Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) na 24/7 silang naka-full alert ngayong Fire Prevention Month.
Ayon sa PRC, nakaalerto ang 18 fire truck, 12 water tanker, at libu-libong emergency responder nila sa buong bansa ngayong buwan.
Idineklarang Fire Prevention Month ang Marso dahil ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sa buwang ito pinakamarami ang naitatalang insidente ng sunog. Ang tema ngayong taon ay “Buhay at Ari-arian ay Pahalagahan, Ibayong Pag-iingat sa Sunog ay sa Sariling Pamamahay Simulan.”
“As we always say, prevention is key when it comes to fire safety,” wika ni PRC Chairman Richard Gordon.
(Mary Ann Santiago0