Isang bangkay ng lalaki ang nadiskubre sa loob ng inuupahan niyang apartment sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jay Oanes y Atayde, 42, ng No. 104 B Apartment Garcia Compound, Naga Road, Pulang Lupa Dos ng nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 10:00 ng gabi natagpuan ang bangkay ni Oanes.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Marissa Melegrito, 50, huli niyang nakausap ang kanyang mister dakong 2:00 hanggang 3:30 ng madaling araw noong Pebrero 24.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matapos nito ay hindi na umano matawagan ni Melegrito ang biktima kaya nagpasya na siyang puntahan ito sa lugar.

Pagdating doon ay pinakiusapan umano ni Melegrito ang caretaker ng apartment na sirain na lang ang pintuan ng kuwarto ni Oanes.

Sa tulong ng mga barangay tanod, nabuksan ang pintuan ng kuwarto ni Oanes at dito na natagpuan ang kanyang bangkay.

Narekober sa unit ng biktima ang isang strip ng aluminum foil, isang improvised glass water pipe, dalawang adjustable lighter, isang heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)