Hiniling ni dating Surigao Del Norte Governor Robert Lyndon Barbers sa Sandiganbayan na ibasura ang kasong graft at malversation laban sa kanya kaugnay ng umano’y pagbili ng overprice na pataba noong 2004.

Sa inihaing mosyon, tinukoy ng kampo ni Barbers ang hindi maipaliwanag na pagkakaantala sa imbestigasyon ng fact-finding body ng Office of the Ombudsman na inabot na ng 10 taon. “This delay result to [sic] violation of movant’s right to speedy disposition of cases guaranteed by no less than the 1987 Constitution,” nakasaad sa mosyon.

Kinasuhan si Barbers sa pagbili ng P5 milyong foliar fertilizer nang walang public bidding, at ayon sa prosekusyon ay overprice ito ng P4.43 milyon. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'