WASHINGTON (AP) – Karamihang tinatamaan ng colorectal cancer ang mga taong nasa middle-age at matatanda, ngunit lumutang sa isang bagong pag-aaral ang nakababahalang pagtaas ng kaso sa mga young adult.

Ang pag-aaral nitong Martes ay paalala na bibihira man ang ganitong uri ng cancer sa kabataan, hindi ito dapat ipagbalewala ng sinuman.

May 135,000 bagong kaso ng colorectal cancer ang nasusuri bawat taon, at bumagsak ang pagkalahatang antas nitong mga nakalipas na taon. Wala pang 15,000 sa mga kaso taun-taon ay mas bata kaysa 50 anyos.

Ngunit natuklasan sa pag-aaral ng American Cancer Society na tumaas ang kaso nito sa mga mas nakababata. Sa katunayan, tumataas ang antas ng colorectal cancer ng halos 3 porsiyento kada taon sa mga tumuntong ng edad na 20 hanggang 30.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Hindi pa malinaw kung bakit. Kabilang sa risk factors ang obesity, kakulangan ng physical activity at diet na mataas sa red o processed meat at salat sa prutas at gulay.