jESSY copy copy

TINAWAG na “Hi school girl” ni Luis Manzano ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola sa picture na ipinost ni Jessy sa tabi ng isang mannequin at parang nasa dressmaking class ang aktres, na nilagyan ng caption na: “I survived my first day.”

May isa pang picture na ipinost si Jessy na ipinakita naman ang pattern sa tatahiin. “Something new #patternmaking.”

Base sa pictures, caption at hashtag, nag-aaral ngang manahi si Jessy, pero hindi basta maging mananahi, kundi fashion designer ang pinag-aaralan niya. Maganda ang ginagawa ng aktres habang hindi pa siya busy, mag-aral o gawin ang gusto.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakakalungkot lang na kahit yata anong gawin ni Jessy, naba-bash pa rin at hindi maiwasang makumpara sa ex-girlfriend ni Luis na si Angel Locsin.

Waiting ang fans ni Jessy sa pagdating ng araw na ipo-post niya sa social media ang una niyang matatahi, bestida man o kahit ano. (NITZ MIRALLES)