SANTIAGO (Reuters) – Tatlong katao ang namatay at 19 na iba pa ang nawawala sa matinding pag-ulan sa Chile nitong weekend, na nagdulot ng mudslide at pag-apaw ng mga tubig sa ilog.

Inihiwalay ng mga pag-ulan ang 373 katao malapit sa kabisera, sinabi ng Onemi emergency service nitong Linggo ng gabi.

Apektado ang supply ng inuming tubig sa mahigit isang milyong kabahayan sa Santiago at pahirapan ang pagkukumpuni sa mga nasirang tubo.

“Emergency teams are working on the ground to connect with isolated persons and re-establish the water supply wherever possible,” sabi ni Chilean President Michelle Bachelet sa Twitter.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'