Nagbabala kahapon ang detinidong si Senador Leila de Lima na nahaharap sa madilim at walang kasiguraduhang kinabukasan ang bansa kapag ipinagpatuloy ng administrasyong Duterte ang pagyurak sa karapatan ng mga Pilipino.

Sa isang pahayag para sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power, walang piniling salita si De Lima sa pagtuligsa sa kasalukuyang administrasyon, na ang madugong kampanya laban sa ilegal na droga at human right violations ay nagdulot ng batik sa paggunita sa EDSA.

“Kung magpapatuloy ang mala-diktador na pamamahala at paglabag sa ating mga karapatan, anong kinabukasan ang naghihintay sa atin? Walang People Power, walang demokrasya, walang tunay na kalayaan, kung mananahimik at magwalang-kibo lamang and sambayanan sa harap ng katiwalian, karahasan at pagmamalabis sa kapangyarihan,’’ pahayag ni De Lima.

Samantala, sinabi naman kahapon ng Malacañang na hindi ang kung ano ang ipinaglalaban ni De Lima ang kailangan ng mga Pilipino ngayon.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“I would say that her call to keep the Spirit of EDSA, of nation building and freedom alive is very worthwhile.

However, I doubt if she is the kind of, if hers is the kind of voice that the people need at this stage,” sinabi ni Abella sa panayam ng radyo. (Mario B. Casayuran at Argyll Cyrus B. Geducos)