VICTORIA, Tarlac – Kritikal na isinugod sa ospital ang isang magsasaka makaraan itong pagtatagain ng sariling bayaw gamit ang isang matalas na katana, o sandata ng samurai, sa Purok Pag-asa, Barangay Bulo sa Victoria, Tarlac, nitong Huwebes ng umaga.

Hindi pa matiyak ang lagay sa ospital ni Jeffrey Cordoba, 32, may asawa, habang nakapiit na ang suspek na si Richard Panes, 39, bayaw ni Cordoba, kapwa taga-Bgy. Bulo, Victoria.

Nauna rito, nagtalo ang magbayaw kaugnay ng pagsusuntukan ng kanilang mga anak hanggang sa pagbabatuhin ni Cordoba ang bahay ni Panes, na gumanti naman at pinagtataga ang biktima. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog