Upang hindi malantad sa polusyon sa hangin na labis na nakaaapekto sa kalusugan ng mga traffic enforcer, pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawin na lamang na apat na oras ang pagmamando sa trapiko ng mga ito sa Metro Manila.
Nais ni MMDA General Manager Tim Orbos na bawasan ang working hours ng mga enforcer.
Ngunit ayon sa isang medical expert, marapat na dalawang oras lamang ang duty ng mga traffic enforcer sa mga lansangan.
Paliwanag ni Dr. Paul Evangelista, pulmonologist ng Lung Center of the Philippines, ang mga enforcer ay “prone” sa “respiratory problem” tulad ng bronchitis at pneumonia na nagiging sanhi ng pulmonary cancer.
Kaugnay nito, hinimok ni Evangelista ang pamunuan ng MMDA na magsagawa ng regular medical checkup sa hanay ng mga traffic enforcer upang ma-monitor ang kalusugan ng mga ito.
“One a month checkup among traffic enforcers will do,” giit ni Evangelista. (Bella Gamotea)