GERONA, Tarlac - Aabot sa malaking halaga ng ari-arian ang napinsala makaraang araruhin ng isang Mercedes Benz tractor ang ilang metro ng tubig, kongkretong poste, perimeter fence at dalawang bahay sa gilid ng highway sa Barangay Amacalan, Gerona, Tarlac, nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon kay PO2 Christian Rirao, minamaneho ni Erwin Jarilla, 31, may asawa, tubong Gubat, Sorsogon at residente ng Visayas Avenue, Quezon City, ang traktora (CHE-818) nang mawalan ng kontrol ang sasakyan.

Inararo nito ang water meter ng Gerona Water District, ilang konkretong poste ng Philippine Long Distance Telephone Company, perimeter fence ng Globe Telecom, at dalawang bahay sa Bgy. Amacalan.

Ang sasakyan ay nakarehistro sa Vernice Trading Service, Inc. sa Quezon City. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?