Laro Ngayon

(MOA Arena)

7 n.g. -- Star vs Ginebra

PANGKARANIWAN na sa Ginebra Kings ang sitwasyong kinalalagyan dahilan upang ibigay sa kanila ang pagiging liyamado laban sa Star Hotshots sa kanilang paghaharap sa ‘do-or-die’ Game Seven ng OPPO-PBA Philippine Cup semi-final ngayon sa MOA Arena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakda ang sagupaan ganap na 7:00 ng gabi at asahan ang pagdagsa ng barangay para saksihan ang isa pang kasaysayan – kung magaganap -- sa panig ng Kings.

“Basically Game 7 is anybody’s game, whoever comes out and have a better night is gonna win,” pahayag ni Kings coach Tim Cone.

Naipuwersa ng Kings ang ‘sudden death’ nang itarak ang 91-67 panalo sa Game Six nitong Linggo.

Mismong si Hotshots coach Chito Victolero ang umamin na bentahe ng Kings ang sitwasyon na hindi na bago sa crowd-favorite. (Marivic Awitan)