Michael at Lisa Marie copy

Lubog na sa utang si Lisa Marie Presley matapos humiling ang kanyang estranged husband ng spousal support na $40,000 kada buwan, ayon sa mga dokumento sa korte.

Inaakusahan ni Lisa Marie si Michael Lockwood ng pag-iingat ng daan-daang maseselang larawan ng mga bata sa computer.

Itinanggi ni Lockwood ang lahat ng akusasyon at hindi siya sinampahan ng anumang kaso.

Human-Interest

ALAMIN: Mga kulay ng damit na mainam panangga sa tag-init

Sinabi ni Lisa Marie na kalalabas lamang niya sa isang treatment facility at naninirahang kasama ang kanyang anak na babae, at may milyun-milyong utang sa back taxes at credit card bills. Ito ay sa kabila ng pagiging may-ari ng lahat ng stake sa estate ng kanyang amang si Elvis Presley at pagkakaroon ng $100,000 monthly inheritance check.

Nabunyag sa mga dokumento sa korte na ang 8-taong gulang na babaeng kambal ng mag-asawa ay nasa ilalim ng California child protective services. (AP)