Mga Laro Ngayon

(FEU-Diliman pitch)

9 n.u. -- DLSU vs AdU (Men)

1 n.h. -- Ateneo vs UE (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

3 n.h. -- UP vs UST (Men)

NAKASIKWAT ng goal ang Far Eastern University sa krusyal na sandali para maitarak ang 1-0 panalo kontra National University para sa solong ikalawang puwesto sa UAAP Season 79 men’s football tournament kahapon sa Rizal Memorial Stadium.

Ang pagkakamali ni Bulldogs keeper Hayeson Pepito ang naging daan para makaiskor si Audie Menzie may apat na minuto ang nalalabi sa laro.

Tangan ng FEU ang siyam na puntos para makabuntot sa nangungunang Ateneo, nakatakdang harapin ang University of the East ngayong 1:00 ng hapon sa FEU-Diliman pitch.

Makakaharap naman ng defending champion University of the Philippines ang University of Santo Tomas sa 3:00 ng hapon, habang magtutuos ang De La Salle at bokya pa ring Adamson sa 9 ng umaga.

Naitala ng Blue Eagles ang four-game winning streak kabilang ang 1-0 panalo kontra Green Archers.

Sa women’s play, naisalpak ni skipper Cam Rodriguez ang final goal para mailusot ang Ateneo sa FEU, 4-3.

Naisalpak ni Rodriguez ang panablang goal sa ika-76 minuto bago nagawa ang winning shot may dalawang minuto ang nakalipas.