NEW ORLEANS (AP)— Magbabalik ang NBA sa Africa.

Ipinahayag ng NBA management at National Basketball Players Association nitong Sabado (Linggo sa Manila) na muling magsasagawa ng NBA Africa Game 2017 sa Agosto 5 sa Johannesburg.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magsasagawa ng laro ang NBA sa kontinente. Noong 2015, sold-out ang tiket ng laro.

Kabilang sa mga player na isasama sa laro sina Bismack Biyombo ng Orlando Magic, CJ McCollum ng Portland at Emmanuel Mudiay ng Denver Nuggets.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang format ng laro ay Team Africa vs Team World at isasagawa sa pakikipagtulungan ng UNICEF, Nelson Mandela Foundation at SOS Children’s Villages South Africa.

“This is part of the league’s continued commitment to bring the authentic NBA experience to fans around the world,” pahayag ni NBA Commissioner Adam Silver.