JESSY_please crop copy

SABI na nga ba’t maiintriga ang pagpo-post ni Jessy Mendiola ng throwback picture niya na short ang kanyang buhok.

Inakusahan siyang nakikisakay sa usap-usapang short hair ngayon ni Angel Locsin at may nagsasabi namang gusto lang niyang asarin ang huli.

Idinepensa si Jessy ng kanyang fans, wala raw itong ibig sabihin sa pagpo-post ng picture na maiksi ang buhok.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Malisyosa lang daw ang fans ni Angel at lahat na lang ng kilos ni Jessy ay binibigyan ng ibang kahulugan.

Walang reaction at hindi magre-react si Angel sa isyung ito at ganu’n din si Jessy. Ang fans ng dalawa ang patuloy na nagsasabong. (Nitz Miralles)