NEW ORLEANS (AP) – Itinaas ni Eric Gordon ng Houston Rockets ang tropeo bilang bagong ‘Three-point King’.

Ginapi ni Gordon si Kyrie Irving ng Cleveland Cavaliers sa tie-breaking final round para makamit ang titulo – isa sa side event ng 2017 All-Star Weekend – nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Naitala ng Houston gunner ang 21 puntos sa shoot-off, habang kumana si Irving ng 18 puntos.

Nanguna si Gordon sa elimination round na may 25 puntos, habang kumana si Irving ng 20. Sa finals, nagtabla sila sa 20 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Maagang nasibak si defending champion Klay Thompson na pumuntos lamang ng 18 puntos, habang si Kemba Walker ng Charlotte ay may 19 puntos.