Miguel Tanfelix and Bianca Umali_Mulawin vs Ravena copy

FINALLY, lumabas na ang McDo endorsement nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, pero print ad pa lang yata dahil wala pa kaming napapanood na TV commercial ng Cotton Candy McFloat.

Pinasok ng fans nina Miguel at Bianca ang social median account ng McDo at nag-request ng TVC ng dalawa. Matagal daw nilang hinintay na lumabas ang endorsement na ito ng dalawa and the least McDo can do ay bigyan ng TVC ang dalawa.

Samantala, nagsimula na kagabi ang Full House Tonight na kabilang sina Miguel at Bianca sa cast. Sasayaw, kakanta at magku-comedy ang sinabi ni Miguel na gagawin nila ng ka-love team sa show na pinangungunahan ni Regine Velasquez.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi sila maninibago sa comedy dahil kasama sila sa Ismol Family sitcom na maraming komedyante silang kasama kaya natuto silang mag-deliver ng punchline at magpatawa.

Kasama rin sina Miguel at Bianca sa reboot ng Mulawin vs. Ravena. Gagampanan pa rin ni Miguel ang role ni Pagaspas at gaganap naman si Bianca bilang si Lawiswis. Excited na ang dalawa sa pagsisimula ng taping sa ibabalik na fantaserye ng GMA-7. (NITZ MIRALLES)