Laro Ngayon

(MOA Arena)

5 n.h. – SMB vs TNT

TUTULOY na ba sa Finals ang Katropa o makahihirit pa ang Beermen?

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Asahan ang larong hitik sa sopresa sa pagtutuos ng Talk ‘N Text at San Miguel Beer sa Game Six ng OPPO-PBA Philippine Cup best-of-seven semi-finals ngayon sa MOA Arena.

Tangan ng Katropa ang 3-2 bentahe at umaasa ang kanilang mga tagahanga na tapusin ang serye at hindi na mabigyan ng pagkakataon ang Beermen na maagaw ang momentum sakaling maipuwersa ang ‘do-or-die’ Game Seven.

Handa na ang Katropa, higit ang beteranong sina Kelly Williams at Jason Castro na sumalanta sa Beermen, na pinangungunahan ni ‘The Kraken’ Junemar Fajardo. (Marivic Awitan)