Ang integridad, dedikasyon at pagmamahal sa sinumpaang tungkulin sa bayan ang pinakamabisang sandata laban sa ilegal na droga.

Ito ang mensahe ni Senator Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang masaksihan niya ang sa pagsunog sa mga kumpiskadong ilegal na droga.

“Unless law enforcers act with integrity - that is, with highest ethical standards and respect to the rule of law at all times – change, no matter how much work you put into it, will remain elusive,” ani Lacson.

Mahigit P400 milyon halaga ng shabu, cocaine, ketamine, marijuana, ephedrine, ecstasy at iba pang mga expired na gamot ang sinunog ng PDEA. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter