NAKATAYA ang karapatan na makausad sa championship round sa pagtutuos ng Ateneo at Far Eastern University-Diliman sa ‘do-or-die’ semifinal duel ng UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Nakatakda ng V-day ganap na 3:00 ng hapon.

Nakausad sa Finals ang defending champion National University nang pabagsakin ang De La Salle-Zobel, 72-50, sa hiwalay na Final Four match. Ito ang ikaanim na sunod na championship trip ng Bullpups.

Huling nakatikim ng title showdown ang Blue Eaglets nang tanghaling kampeon noong 2014, habang target ng Baby Tamaraws na makatikim muli ng Finals mula nang magkampeon noong 2012.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naipuwersa ng Katipunan-based cagers ang serye sa’sudden death’ nang pabagsakin ang second seed FEU-Diliman, 75-56, nitong Martes.

Nanguna sina Dave Ildefonso, SJ Belangel at Jason Credo sa Blue Eaglets, ang No.3 sa Final Four.

Malaki rin ang kontribusyon ng 6-foot-11 center na si Kai Sotto, nagtala ng 11 puntos, 12 rebound at tatlong block.