KUALA LUMPUR (AFP) — Nanindigan ang gobyerno ng Malaysia kahapon na hindi ibibigay ang bangkay ni Kim Jong-Nam, ang pinatay na half-brother ni North Korean leader Kim Jong-Un, hanggat hindi nagbibigay ang pamilya nito ng mga DNA sample, sa kabila ng mga kahilingan ng Pyongyang.

Sinisikap ng mga detective sa Kuala Lumpur na matukoy ang motibo sa pagpatay, na ayon sa South Korea ay isinagawa ng mga babaeng agent ng North gamit ang lason.

Sinusuri na ng forensic specialists ang mga sample na nakuha sa bangkay upang matukoy ang lason na isinaboy sa mukha ni Kim habang ito ay pasakay sa isang eroplano noong Lunes.

“So far no family member or next of kin has come to identify or claim the body. We need a DNA sample of a family member to match the profile of the dead person,” sabi ni Selangor state police chief Abdul Samah Mat sa AFP.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Hawak na ng pulisya ang dalawang babaeng suspek – isang may Vietnamese passport at isang may Indonesian document — gayundin ang isang lalaking Malaysian.