GINAPI ng season host University of Sto. Tomas ang University of the East ,28-26, 19-25, 23-25, 25-23, 15-7, para sa ikalawang sunod na panalo sa UAAP Season 79 men’s volleyball tournament kahapon sa San Juan Arena.

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si Tigers coach Odjie Mamon sa kanilang performance na nagtabla sa kanila sa National University at Far Eastern University sa barahang 2-1.

Nanguna sa panalo si Manuel Medina na may 20 puntos kasunod si Arnold Bautista na may 16 puntos.

Nauwi naman sa wala ang personal best na 32 puntos ni Edward Camposano nang bigo nitong maisalba ang Red Warriors sa ikatlong sunod na kabiguan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginulat ng De La Salle University ang University of the Philippines, 25-23, 25-19, 25-21, para makabutas matapos ang tatlong laro.

Nagtala si Raymark Woo ng 18 puntos upang pamunuan ang Green Spikers sa una nilang panalo sa ilalim ni head coach Nestor Pamilar .

Dahil sa panalo, bumagsak ang Maroons sa barahang 2-1 kapantay ng UST, FEU at NU. (Marivic Awitan)