RACHEL ARENAS copy

TUWANG-TUWA si Gladys Reyes sa desisyon ng bagong upong Movie and Television Review and Classification Board chairman na si Rachel Arenas na walang gagawing pagbabago sa anumang mga patakaran na ipinatutupad ngayon ng ahensiya.

“Sa totoo lang, natutuwa kami dahil sinabi niyang itutuloy niya ang mga programa namin ukol sa Matatalinong Panonood,” kuwento ni Gladys, isa sa mga board member MTRCB.

Sa unang paghaharap pa lamang nila ng bagong MTRCB chairman ay nakitaan agad niya ito ng kabaitan at alam niyang karapat-dapat ang dating congresswoman sa posisyon na ibinigay ni Pangulong Rody Duterte.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Okey siya, mabait at marespeto. Alam kong may mga magagandang plano pa rin siya para sa MTRCB,” lahad ni Gladys.

May ilang board members na napalitan kagaya ni Bobby Andrews at may mga bagong pasok tulad nina Mocha Uson, dating chairman Consoliza Laguardia, Luke Mijares, Moymoy Palaboy at iba pa. Isa si Gladys sa sinasabing mananatili sa posisyon.

“Sobrang nag-enjoy ako sa pagiging board member sa MTRCB, napamahal na sa akin ang posisyon kong ito. Pero nasa kamay pa rin ni Presidente Duterte ang desisyon. May labing-dalawa pa rin naman kaming kasama sa old board. Sana nga, ma-re-appoint pa rin, if ever,” banggit ni Gladys.

Kasama pa rin ni Gladys sa board sina Direk Maning Borlaza, Bibeth Orteza, Mario Hernando at iba pa.

Samantala, nakuha agad ni MTRCB Chair Rachel Arenas ang suporta ng movie press. Sa presscon na ipinatawag niya ay nag-enjoy ang lahat sa mga sagot niya at pati ang tungkol sa love life, huh!

Binigyang linaw ni Chairman Arenas ang lumabas na balita na diumano ay sinabi niyang ire-regulate ang mga pelikulang ipinalabas sa Internet. Dahil dito ay napakaraming nagalit at nag-react nang husto.

“Hindi. Kasi ganito ‘yun, I was interviewed by a radio station in Pangasinan and when they wrote about it, I would assume that they would only chose the key words. Pero ang tanong talaga sa akin no’n, pa’no ‘yung mga pirated DVDs?

So, ang sagot ko no’n, hindi ‘yan under ng MTRCB, that’s under Optical Media Board. And then sabi ko na minsan nga rin, hindi lang ‘yung pirated dahil mayroon tayong napapanood sa Facebook din. And then, mayroon ding napapanood ang mga tao, although legal naman nilang binabayaran, sa Netflix.

“But I didn’t say that I wanted to regulate it. Sabi ko, that they should do self-regulation or be more prudent in the shows or movies that are going out sa mga menu nila.

“And siyempre, nagkaroon po ng reaction ang mga tao, pati ho do’n sa aking Facebook na, ‘Don’t dare touch my Netflix!’ But hindi ko rin po ipagkakaila na marami na pong bansa, ‘yung mga counterparts namin, pinag-aaralan din po ‘yan, kasi siyempre, kailangan din po tayong sumabay, hindi ba?

“And because nga, the advance and technology is so fast, it’s hard to cyber police,” paliwanag ng bagong MTRCB chief. (JIMI ESCALA)