Nangunguna sa listahan ng mga sinampahan ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman noong nakaraang taon ang mga opisyal ng local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na impormasyon ng Finance and Management Information Office (FMIO) ng anti-graft agency, kabuuang 2,799 na kaso ang iniharap laban sa LGU officials at 1,022 naman sa PNP.
Pumapangatlo ang Department of Education (DepEd) sa 222 kaso, pang-apat ang Armed Forces of the Philippines (201 kaso), pang lima ang Department of Environment and Natural Resources (120), na sinusundan ng state universities and colleges (SUCs), Bureau of Customs (BoC), Department of Justice (DoJ), Department of Agriculture (DA) at House of Representatives na mayroong tig-84 na kaso. (Rommel P. Tabbad)