KRIS copy

LALONG sumaya ang 46th birthday ni Kris Aquino sa pagbating ipinadala sa kanya ng mga taga-Star Cinema.

More than the gift, ang birthday greetings ang mas ikinatuwa ni Kris, kaya ipinost pa nito ang card. Nabasa namin na nakapirma sina Ms. Malou Santos, Direk Olive Lamasan at iba pang taga-Star Cinema. (Hindi namin masyadong mabasa ang kanilang mga pangalan.)

“@jacksalvador sent me these pics, thank you for remembering my birthday @starcinema (super na touch ako),” post ni Kris sa Instagram.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Natuwa sa birthday greetings ng mga taga-Star Cinema pati ang followers ni Kris sa social media. Baka raw hindi na imposible ang prayers nila para kay Kris at iyon ay ang makabalik siya sa kanyang home studio.

Ito kasi ang mensahe sa naturang card:

“Dearest Kris, Hope this day is just the beginning of a year full of happiness. With much love, Your Star Cinema Family.” (Nitz Miralles)