LOVELESS si Janine Gutierrez na matagal-tagal na ring break sa dating boyfriend na si Elmo Magalona. Sa presscon ng bago niyang afternoon prime drama series na Legally Blind, inamin ni Janine na hindi pa siya muling nag-i-entertain ng suitors.
Bakit, traumatic ba ang break-up nila ni Elmo?
“Wala po namang kinalaman ang break-up namin ni Elmo,” sagot ng dalaga. “Naging very busy lang po talaga ako ngayon, kasi bukod po dito sa Legally Blind, nagho-host din ako ng Day Off with Ken Chan para sa GMA News TV. Naka-move on na rin po ako sa nangyari sa amin. Masaya naman ako kahit single, nakakontrata na po ako sa sarili ko na lang, wala akong pagkakaabalahan kundi ang work ko na lang. Happy ako being focused on my work.”
Pero sa pagiging busy ni Janine, kahit mahirap ay happy pa rin siya living alone sa condo unit niya sa Greenhills.
Mahirap kasi kailangan niyang maging responsible sa pagma-manage ng kanyang finances.
Natatawang kuwento niya, minsan ay nakalimutan niyang magbayad ng electric bill, mabuti na lang naagapan pa rin ang pagbabayad kaya hindi siya naputulan ng kuryente.
“Pero masaya po ako kasi galing lahat ito mula sa work ko. Iyong condo unit ko, nang lipatan ko, walang laman, pero ngayon satisfied akong makita itong puno na ng mga kailangan ko at fulfilment ito para sa akin.”
Sa February 20, mapapanood na ang Legally Blind (pagkatapos ng Ika-6 Na Utos) at based sa trailer na ipinakita sa presscon, mapapanood ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Grace (Janine) nang mabulag, inabuso, bumangon, at naging lawyer. Para sa gagampanang role, nag-train siya with real lawyers. At dahil isa nga siyang bulag, ilang araw din siyang nakisalamuha sa mga bulag sa isang school for the blind.
Sa direksyon ng kanyang Tito Ricky Davao (husband ng kanyang Tita Jackie Lou Blanco, kapatid ng daddy niyang si Ramon Christopher), thankful si Janine na inalalayan siya nito sa lahat ng mahihirap na eksena.