KUALA LUMPUR (Reuters) – Idinetine ng Malaysian police kahapon ang pangalawang babaeng suspek sa pagpatay sa estranged half-brother ni North Korean leader Kim Jong Un.

Naaresto ang huling suspek dakong 2:00 ng umaga kahapon. May hawak siyang Indonesian passport, hindi tulad ng naunang suspek na nagtataglay ng Vietnamese travel papers. Isinailalim siya sa kustodiya sa loob ng pitong araw kasama ang naunang babae na nahuli sa Kuala Lumpur International Airport noong Miyerkules, dalawang araw matapos atakehin doon si Kim Jong Nam gamit ang mabagsik na lason.

Ayon sa spy agency ng South Korea, ang dalawang pinaghihinalaang babaeng North Korean agent ang pumatay kay Kim Jong Nam.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina