Humirit ng karagdagang panahon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa piskalya na may hawak sa kaso ng dinukot at pinatay na Koreano na si Jee Ick Joo para magsumite ng ulat matapos ipag-utos ng Angeles City Regional Trial Court ang reinvestigation. Sa dalawang pahinang manifestation, humiling ang NBI hanggang sa Pebrero 28 para magsumite ng ulat.

Ito raw ay para matiyak na komprehensibo at sistematiko ang magiging resulta ng kanilang pagsisiyat at makapangalap ng mga karagdagang ebidensya.

Sa pagdinig na pinangunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera noong Pebrero 3, 2017, binigyan lamang nito ng limang araw o hanggang Pebrero 8 ang NBI at Philippine National Police para magsumite ng ulat sa nasabing kaso. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji