Ang mga kasapi ng Ultimate Fighting Cock Championships ay handa na sa isang mas maikli subalit mas mabigat na labanan sa taon ito, kapag ang liga “kung saan ang mga pinakamagagaling at pinakamatatapang na lamang ang naglalaban” ay muling iparada ang mga pinamahuhusay na mananabong ng bansa sa pangunguna nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos at Engr. Sonny Lagon.

Magkakatuwang na itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila and Solaire Resorts & Casino, ang 2015 UFCC Cock Circuit ay gaganapin sa air-conditioned na Las Piñas Coliseum na sa ngayon ay mayroon ng bagong parking para sa kaginhawahan ng mga apisyonado.

Magkakaroon ng anim na 1-day 6-cock na laban sa Pebrero 18 & 25; Marso 4, 11 & 25 at sa Abril 1, na magtatapos sa isang 1-day 7-cocker sa Abril 22.

Ang itinakdang entry fee ay P55,000, samantalang ang minimum bet ay P33,000.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang pagsusumite ng timbang (1.900 – 2.500kgs.) ay isang araw bago ang labanan mula ika-2 ng hapon hanggang ika-8 ng gabi.

Si Lagon, na solong namayani ng UFCC Cocker of the Year noong isang taon ay may mabigat na misyon para idepensa ang kanyang korona lalo na pagpasok ng mga bago subalit mabibigat na mga kalahok.