Diego Loyzaga
Diego Loyzaga
POST and delete ang ginagawa ni Diego Loyzaga ngayon sa Instagram (IG). Sa dalawang bagong posts niya last Thursday, bago magtapos ang araw ay isa na lang ang natira.

Dinelete niya ang post niyang “FAKE PEOPLE SHOWING FAKE LOVE TO ME” na may caption na “TO YOU AND ALL CESAR MANHILOT SUPPORTERS.”

Itinira ni Diego ang post tungkol sa amang si Cesar Montano at sa resulta ng kanyang drug test. In fairness, puro negative si Diego sa cocaine, opium, ecstacy, metamphetamine at tetrahydrocannabinol.

Ang caption niya sa post na ito: “2/3 test na pinagawa mo sa ‘kin. Ano pa ngayon @cesar_montano, adik pa ako? GUSTO MO NG ISA PA PARA KUNTENTO KA NA?!”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi kami magugulat kung the next time, i-delete na rin ni Diego ang itinira niyang post tungkol sa kanyang drug test result.

Pero hindi ba niya alam na nababasa ang post niya at ini-screenshot, kaya kahit binura na niya, nababasa pa rin ng marami at nakokopya. --Nitz Miralles