KAANAPALI, Hawaii (AP) — Naipanalo ni CoCo Vandeweghe ang huling 10 laro kontra kay Andrea Petkovic ng Germany tungo sa 3-6, 6-4, 6-0 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila) para sa dominanteng 3-0 bentahe para sa United States sa Fed Cup quarterfinal match.

Itinigil ang ikaapat na singles at doubles match dulot ng pagulan. Sa kabila nito pormalidad na lamang ang kailangan ng Americans para ideklara ang pagusad sa semi-final – unang pagkakataon mula noong 2010.

Host ang U.S. kontra sa defending champion Czech Republic sa semi-final na itinakda sa Abril 22-23. Ginapi ng Czech Republic ang Spain 3-2.

Nailagay ni Vandeweghe, ang world's 20th-ranked player, ang U.S. sa 2-0 bentahe nang iretiro si Julia Goerges, 6-3, 3-1.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

"You guys pulled me through, that's the bottom line," aniya.

Naipanalo naman ni Alison Riske ang first match kontra Petkovic, 7-6 (10), 6-2.