ISANG panalo na lamang ang kailangan ng University of Perpetual Help upang maidepensa ang titulo sa juniors division matapos gapiin ang Lyceum of the Philippines, 25-16, 23-25, 19-25, 25-18, 15-10 kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 volleyball finals sa San Juan Arena.

Pumasok ng direkta sa final hawak ang thrice-to-beat advantage, nanganganib pang mawalis ng Altas ang Junior Pirates sa kampeonato.

Kakailanganin lamang ni coach Sandy Rieta na maulit ang dominanteng kampanya ng koponan para makamit ang three-peat at ikasiyam sa kabuuan ng pagsabak sa liga.

Nagtala ng 20 puntos si Ivan Encila habang nagdagdag ng 19 at 17 puntos sina Paul Solamin at Mervien Castillo, ayon sa pagkakasunod upang pamunuan ang panalo ng Junior Altas. (Marivic Awitan)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!