NEW YORK (Reuters) – Hinagupit ng matinding snowstorm ang hilagang silangan ng United States nitong Huwebes, nag-iwan ng isang talampakang snow sa kapaligiran, dahilan para makansela ang libu-libong flight, magsara ang mga eskuwelahan at walang pasok sa mga opisina ng pamahalaan. Dalawang katao ang iniulat na namatay.
Taglay ng bagyo ang malakas na hanging umaabot sa 80 kph at iniwang napakadulas at mapanganib ang mga daan sa lungsod ng New York, Boston at Hartford, Connecticut.
Ilang lugar sa rehiyon ang dumanas ng “thunder snow,” isang uri ng masamang panahon na may magkasamang pag-ulan ng snow at pagkulog at pagkidlat.
Kinansela ang halos two-thirds ng mga flight papasok at palabas sa tatlong pangunahing paliparan sa New York, gayundin ang 69 porsiyento sa Boston Logan International Airport, ayon sa Flightaware.com.