Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang isang apat na buwang sanggol na babae matapos dukutin at abusuhin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Carcar City, Cebu.

Base sa report ng Carcar City Police Station-Women’s Desk, hindi namalayan ng noon ay nahihimbing na ina ng sanggol na pinasok na sila ng suspek at tinangay ang kanyang anak na nakahiga sa kanyang tabi.

Nagising ang ina at napansing nawawala ang anak kaya kaagad niya itong hinanap.

Nagkataong dumating ang lolo ng sanggol at narinig ang malakas na iyak nito mula sa bakanteng lote malapit sa bahay at nang tinungo niya ay bumulaga sa kanya ang duguang sanggol na iyak nang iyak.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Natanggal na ang diaper ng sanggol, na nasa tabi nito, habang may isang bote ng tuba sa malapit.

Agad namang ipinasuri ang sanggol at dito nakumpirmang inabuso ito dahil may laceration sa ari ng baby. (Beth Camia)