BEIJING (AP) – Muling pinagtibay ni President Donald Trump ang matagal nang pagkilala ng America sa ‘one China policy’ nang tawagan niya sa telepono si Chinese President Xi Jinping.

Sinabi ng White House at ng China state broadcaster CCTV na nag-usap ang dalawang lider noong Huwebes ng gabi at pumayag si Trump sa kahilingan ni Xi na kilalanin ang nag-iisang China na nag-oobliga sa Washington na panatilihin ang unofficial ties sa Taiwan.

Inilarawan ng White House ang tawag sa telepono na “extremely cordial” at nagpalitan ng imbitasyon ang dalawang lider.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo