MAY bagong viral sensation ang Pilipinas, si Sinon Loresca. Hindi lang siya sa ating bansa sumisikat at nagiging laman ng TV news at newspapers kundi hanggang sa ibang bansa.

Unang nakilala si Sinon bilang si Rogelia sa kalyeserye ng Aldub love team nina Alden Richard at Maine Mendoza.

Kung gaano kadalas ma-feature rito si Sinon, ganoon din sa ibang bansa dahil na-feature na siya sa newspapers at different website gaya ng Daily Mail ng United Kingdom, Elite Readers, Bild Newspaper at Madonna magazine ng Germany.

Na-feature rin siya sa Updocl ng Latin America, Yahoo, 9Gag, Mashable Asia, Daily Mail of Australia.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nitong huli, inimbita siyang mag-guest sa The Doctors TV show na napapanood sa Los Angeles. Ipinost ni Sinon ang email ni Rachel Glass, production assistant ng show.

“Hello, I work at The Doctors television show and we were interested in potentially having Loresca on our show, where is he located?”

Ang reaction ni Sinon, “Omg omg omg! The DOCTORS?”

Kinukumbinsi si Sinon na tanggapin ang offer, pero kailangan muna niyang ayusin ang schedule niya. Bukod sa sunud-sunod na guestings sa shows ng GMA-7, kasama siya sa cast ng Afternoon Prime na Impostora na three times a week ang taping.

Ipi-feature rin ang life story niya sa Magpakailanman at anyday now, magti-taping na siya. Dito raw malalaman ang buong istorya ng buhay niya mula nang isilang siya sa Masbate, nagtrabaho bilang salesman sa Burberry for seven years hanggang madiskubre ng Eat Bulaga nang mapanood ang video niya at hanggang isama sa cast ng Impostora.

Ang kasikatan ni Sinon ay nagsimula sa kanyang Miss Universe walk, kaya tinagurian siyang The King of Catwalk. Wala siyang takot na rumarampang parang Miss Universe candidate in high heels, nakasuot ng blue gown at may korona.

Ang isa pang nag-viral na picture ni Sinon ay naka- blue Speedo swimming trunk. Umabot na sa 20M views worldwide and still counting ang video niya.

Anyway, role ng kaibigan nina Elizabeth Oropesa at Kris Bernal ang ginagampanan ni Sinon sa Impostora na airing sometime in March. Tindera siya ng isda sa palengke at sabi niya, abangan at baka magtinda siya ng isda na naka-high heels at suot ang kanyang iconic blue gown. (Nitz Miralles)