TATANGKAIN ng Talk ‘N Text Katropa na makaiwas sa bangin ng kabiguan sa pakikipagtuos sa defending champion San Miguel Beer sa Game Two ng kanilang best-of-five semi-final match-up sa 2017 OPPO-PBA Philippine Cup ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakauna sa serye ang Beermen sa impresibong 111-98 panalo.

Panatag si Beermen coach Leo Austria na malaki ang kanilang tsansa na makakausad sa finals para sa katuparan ng minimithing ikatlong sunod na All- Filipino Cup crown.

Tinutukoy ni Austria ang ipinamalas na teamwork ng Beermen kung saan nagawang mapalobo ng bentahe sa 18 puntos mula sa 16-of-18 shooting sa three-point shot.

Umaasa ang Katropa fans na matatapatan nina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier , Kelly Williams, Matf Tosser at Mo Tautuaa ang opensa ng Beermen, sa pangunguna ni MVP candidate Junemar Fajardo. (Marivic Awitan)

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala