ISASAGAWA ang Junior NBA Philippines Regional Selection Camp sa Pebrero 11-12 sa Xavier University sa Cagayan de Oro.

Bukas at libre ang pagpapatala sa programa para sa kabataang cager na may edad na 10 hanggang 14-anyos. Nakatakda ang camp ganap na 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Ang mga natatanging atleta ay pipiliin para katawanin ang Mindanao sa National Training Camp na gaganapin sa Manila sa Mayo 12-14.

Pangangasiwaan ang Camp ni Jr. NBA /Jr. WNBA Coach Craig Brown, kasama ang ilang coach mula sa Alaska.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Nakapaloob sa programa ang pagtuturo sa mga kalahok hindi lamang ng basic basketball skills bagkus ang pagpapalago sa kanilang katauhan sa pamamagitan ng Jr. NBA/Jr. WNBA S.T.A.R value na Sportsmanship, Teamwork, positive Attitude ar Respect.

Muala sa Cagayan de Oro, tutulak ang Jr. NBA Regional Selection Camps sa Lucena sa February 25-26, Cebu (March 11-12) at Manila (April 1-2).

Sa mga interesadong luamahok, maaaring magpatala sa on-line, buksan ang website www.jrnba.asia/philippines.