Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang programang “Love Express” bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Valentine’s Day sa susunod na linggo.

Sinimulan ang programa kahapon (Pebrero 8) at magtatagal hanggang sa Pebrero 14, Araw ng mga Puso.

Sa ilalim ng programa, maaaring maipadama ng publiko sa kanilang mga mahal sa buhay ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng koreo.

Sa halagang P2,000 lamang, maaari nang magpadala ng bulaklak at awitan ang inyong mga mahal sa buhay gamit ang “Singing Kartero.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasama sa “Singing Kartero Package” ang isang bungkos ng bulaklak, greeting card, at dalawang awitin mula sa mga singing kartero.

Mayroon ding Domestic Express Mail Package na maaaring magpadala ng tsokolate, bulaklak, greeting cards, stuffed toys, cakes at iba pang mga bagay sa iniirog sa halagang P200 lamang sa unang kilo.

Dahil nahihilig ang mga tao sa pagkuha ng selfies, may handog ring personalized stamps ang PHLPost ngayong taon.

Ilalagay sa stamp ang selfie sa halagang P17 bawatselyo.

Inilunsad din ng PHLPost ang Facebook promo na “Pusuan Mo Bes” kung saan may pagkakataong manalo ng romantic dinner para sa dalawa sa Valentine’s Day.

Kinakailangan lamang mag-avail ng Singing Kartero Package o ng Domestic Express Mail Package, kuhanan ito ng litrato at ipadala kasama anga DEMS Consignment Note o magpakuha ng litrato kasama ang Singing Kartero at i-posts ito sa FB kasama ang official hashtags na #PHLPOSTLoveExpress at #PusuanMoBes.

Ayon sa PHLPost, ang entry na makakuha ng pinakamaraming Likes at Loves pagpatak ng ika-12 ng tanghali sa Pebrero 14 ang mag-uuwi ng premyo. (MARY ANN SANTIAGO)