NAPIPINTONG maulit ang kaganapan sa nakalipas na taon para sa liyamadong San Sebastian College.

Ginapi ng Arellano U ang San Sebastian, 25-18, 25-20, 25-16, upang mapalawig ang championship series sa 92nd NCAA volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nadepensahan ng Lady Chiefs si Lady Stags star Grethel Soltones, ang reigning back-to-back MVP, para sa straight set na panalo na naglagay sa San Sebastian sa alanganing sitwasyon matapos makuha ang ‘twice-to-beat’ na bentahe nang mawalis ang elimination round.

Sa nakalipas na season, ganito rin ang katayuan ng Lady Stags laban sa St. Benilde..

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakda ang Game Two sa Biyernes.

Nanguna si Regine Anne Arocha, bumida sa panalo sa stepladder semis series kontra sa defending champion St. Benilde nitong Biyernes, sa naiskor na 14 hit, habang kumana sina Mary Anne Esquerra at Andrea Marzan ng tig-10 puntos.

“We focused on our defense,” sambit ni Arellano U coach Obet Javier.

Nahila rin ng Arellano ang winning streak sa 10, kabilang ang walong sunod sa elimination.

Nagkataon, ang tanging kabiguan ng Lady Chiefs ngayong season ay mula sa Lady Stags, 25-23, 28-26, 19-25, 18-25, 12-15 noong Nov. 14.

“We did our best to correct most of our past mistakes and we succeeded in doing it,” pahayag ni Javier.