WASHINGTON (AFP) – Password, please: Maaaring hilingin ng mga embahada ng US sa visa applicants ang mga password sa kanilang mga social media accounts para sa background checks sa hinaharap, sinabi ni Homeland Security Secretary John Kelly noong Martes.

Ayon kay Kelly, ang hakbang ay maaaring maging bahagi ng pagsisikap na paigtingin pa ang pagsasala sa mga bisita upang hindi makapasok ang mga tao na maaaring maging banta sa seguridad.

Isa aniya ito sa mga bagay na ikinokonsidera lalo na sa mga bisita mula sa pitong bansang Muslim – ang Iran, Iraq, Libya, Somalia, Sudan, Syria at Yemen.

“We’re looking at some enhanced or some additional screening,” ani Kelly sa pagdinig ng House Homeland Security Committee. “We may want to get on their social media, with passwords,” aniya. ‘So we can see what they do on the Internet.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“If they don’t want to cooperate, then they don’t come in” sa United States, aniya,